Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin para sa mga masasalanta ng Bagyong Ompong...
by
roxbit
on 14/09/2018, 15:17:14 UTC
May papadating nanaman na Super Typhoon at siguradong marami nanamang lungsod at probinsiya ang masasalanta at maraming kabuhayan ang masisira. Sana may mga ahensiya ng gobyerno na gumagamit na ng mga digital wallet para mas madali na magtransfer ng donasyon sa mga masasalanta ng bagyo saan mang sulok ng bansa.
Sa aking palagay ay hindi pa handa ang ating pamahalaan o ang mga sangay nito upang gumamit ng mga digital wallet alam naman natin lahat na ang transaction sa ating gobyerno ay katakot-takot na proseso ang pagdaanan at lahat ay suportado ng mga dukomento at talagang detalyado para pagnagkaroon ng audit ay walang problema.

Tingin ko din parang wala pang kapasidad ang ating bansa na gumamit ng digital wallet dahil hindi pa 100% legal ang bitcoin. At sa isang banda mahirap mag transfer ng pera lalo na ngayong panahon ng bagyo. Maraming masisira na infrastractura at mawalan ng kuryente ang mga masasalanta. Kaya mahirap kapag walang kuryente dahil wala ring internet connection.