Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
Muzika
on 16/09/2018, 15:44:46 UTC
Gusto ko sanang magpalevel 3 ng account ko sa coinsph kaso ang problema ko ay ang mga dokumento. Ang posible ko lamang maisubmit ay ang Barangay Clearance pero kailangan nila ng may dry seal na certification galing sa barangay na wala naman kami. May pag-asa pa po ba akong makakuha ng mas mataas na limit kada araw sa account ko?
Kailangan lang naman dyan yung address mo ehh saka sabihin mo kamo sa nagbibigay ng dokumento na dapat may dry seal dahil halos karamihan naman talaga ng baranggay, imposibleng walang dry seal.


Wala e.. Tinanong ko narin sa barangay namin kung may dry seal sila, wala talaga. Tangina pag asa ko nalang siguro yung lumipat ako sa barangay na nag iisue ng barangay clearance na may dry seal.  Grin

walang dry seal ang baranggay nyo? imposible naman ata yan ewan ko lang ha kasi dto samin meron, or else ganito ang gawin mo tanong mo sa coins.ph team kung pwede na ipanotaryo mo na lang yung binigay sayong dokumento na galing sa baranggay nyo pero kung wala e talgang malabo kang makapag palevel 3 sa kanila.