Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga
Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging
Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.
Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum

? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.
Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Kahit anung sabihin natin patungkol sa bagay na ito kong itoy ginawa na ng ating masipag na admin wala tayong magagawa, dahil iyan ang kanyang naisip upang linisin ang forum na ito at gawing maayos.
Patungkol naman sa mga bounty hunters, wag nyo naman masyadong ibaba sila dahil hindi naman masamang kumita bilang kabayaran ng kanilang effort, ngunit oo kailangan nilang maslalong magsumikap upang magkamerit at maging isa sa karapat-dapat sa forum na ito.