Post
Topic
Board Pilipinas
Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
by
creepyjas
on 20/09/2018, 15:53:43 UTC
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  Huh? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Sang ayon ako dito. Madaming mga account ang iisa lang ang may-ari upang bombahin ang mga campaign at wala talagang enthusiasm sa industriya. Ang tanging alam lamang ay kumita kaya nadadamay ang ibang mga forum users. Lumiliit ang bounty prize at sila rin ang nagda-dump ng coins once na maibahagi na ang mga premyo pagkatapos ng isang campaign.