Post
Topic
Board Pilipinas
Cryptocurrency Tax?
by
deguzmanwacky
on 22/09/2018, 08:25:03 UTC
May tatlong kapangyarihan ang isang estado at isa dito ay ang TAX

Ano nga ba ang tax at ano ang ginagawa nito sa ating bansa?

May dalawang layunin ang TAX at ito ay ang mga sumusunod:

Ang pangunahing layunin nito ay upang makapagkolekta ng pondo upang mabayaran ang mga gastusin ng gobyerno

At ang ikalawa naman ay nahahati sa dalawa:

A. Regulatory Purpose - It ay nagiging device para o control upang maimplementa ang iba pang kapangyarihan ng estado tulad ng Police Power

B. Compensatory Purpose - Ito naman at upang mabawasan ang Social Inequality, Paglago ng ekonomiya ng bansa at upang maprotektahan ang nga lokal na industriya muna sa hindi patas na competition

Sa ngayon ay wala pang guidelines o maayos na tax treatment para sa Cryptocurrencies. Ngunit ayon sa Bureau of Internal Revenue, ay lahat ng income ng isang Filipino Citizen ay dapat bayaran ang kalakip na tax nito unless ito at exempted.

Ito ang mga posibleng maging paraan sa pagcompute ng tax ng isang crypto currency transaction. (TRAIN LAW. RA. 10963)

Kung ang Crypto at ikaclassify as Property:
Ito ay dapat patawan ng Capital Gains Tax. Ito at 6% ng gross selling price o kabuuang presyo ng pagbenta ng crypto.

Kung ito naman ay ikclassify katulad ng Stocks:
Nahahati ito sa dalawa:
Kung ang stocks ay hindi listed sa exchange market, Ito at papatawan ng 15% mula sa gains ng pagbenta nito.

At kung ito naman at listed sa market:
Ito at papatawan ng 0.6% from gross selling price o kabuuang presyo ng pagbenta.

Ang huling classification ay kung ito ay naging income mo sa pagbebenta o pag gawa ng serbisyo tinatawag na SALE o Income from Services

Ito at papatawan ng tax base sa income tax or other business tax

Ang income tax ay mayroong tax table kung saan depende sa laki ng iyong income. Exempted sa tax ang mga income earners na may kita na hindi sosobra sa 250,000 PHP sa loob ang isang taon.

 Ang lalagpas naman sa 250,000 PHP ay mayroon 20%-35% depende sa laki ng income.

Ang business tax naman ay may Other Percentage Tax na 3% para sa mga Non-VAT Registered businesses at 12% naman para sa mga VAT Registered.

Sa mga kabayan nating kumikita mula dito, sang ayon ba kayo na patawan ng tax ang crypto currency transactions  sa hinaharap?

Nawa'y may natutunan kayo sa post ko! Salamat mga kabayan!


Edit:  Ang ideya ay nabuo hango sa article na ito
https://cryptocurrencyfacts.com/2017/12/30/the-tax-rules-for-crypto-in-the-u-s-simplified/