Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga
Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging
Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.
Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum

? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.
Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
tama ka dyan kabayan kasi marami ngang multiple accounts na panay basura ang post ang nagkalat sa forum lalo na siguro kung wala pang merit system at hnd pa ganito ang patakaran sa jr. members. para sa akin pabor ako.