Para saken corrupted na talaga din tong forum na to. Kung alam nyo yung "paid membership" kasabay ng pagsugpo sa spammer at buyer ng mga accounts meaning gusto din nila kumita gamet ang patakarang ito kung titignan mo talaga yung other side ng story na to. Nagiging hindi na pamantayan ito sa lahat ng kasali sa forum kase hindi naman lahat ng sumasali ay spammer at nang-aabuso lang. Kaya pag gusto mong kumita ngayon dito kelangan mo magdonate sa kanila para pwede ka magpost ng may images para sa mga bounty manager na katulad ko at content writer. Pero sa mga bounty hunter isa itong malaking dagok dahil ang merit ay nabibili din sa ibang member dito base sa mga nakikita kong post na ngayon ay balak din nilang sugpuin. Pero kung titignan mo yung mga nagppost na higher rank kahit walang silbi yung pinagppost nila ay nagbbgay sila ng merit. Silang mga nauna sa forum, silang mga naunang mandaya, silang mga naunang nagpakasasa sa katas ng forum na ito ang may karapatan lang na gumawa ng ganun kase sila yung nasa taas ngayon. Na dati pang walang ganitong patakaran, na dating walang ganitong karamang tao na gustong makigulo dito sa forum na to. Kaya tingen ko balak nadin talaga nila pagkakitaan yung mga bagong salta dito lalo na yung mga projects na nagpapapost lang ng campaigns dahil wala silang kakayahan. Ito lang naman po ay opinyon ko.
