Salamat sa info mo about sa ssl bro maganda yung pagkaka deliver mo napaka clear, ngayon alam ko na kung bakit nag wawarning at nag rered yung lock icon ng browser ko kapag pumapasok ako sa mga delikadong websites, yun pala ang dahilan kasi hindi pala sya secure at maari palang manakaw yung mga sensetive information sa mga walang ssl certificate na website. Matanong lang boss about sa mga phishing sites, meron din bang phishing sites na mayroong ssl certificate or lahat ng mga phishing sites na yan ay wala talaga silang ssl certificate as in elligal lahat ng mga web sites na yun? Sensya na sa pagtatanong di kasi talaga ako expert

.
Yes boss, kadalasan ng mga phishing sites ngayon ay may SSL certificates na para magmukang legit ang kanilang website. Tip lang boss, kapag may nanghingi ng credentials mo online (example: gustong kunin credit card info at etc.) eh magdalawang isip kana. Sketchy na kapag ganun at kailangan siguraduhin mo muna na legit ba talaga yung site na yun or yung taong nanghihingi ng mga credentials mo. At kapag nagclick ka sa isang link ng babayaran or may login lagi mong ichecheck muna ang email add nila dahil dun mo mahuhuli kung legit ba yun or hindi. Kasi kalimitan ng email nila ay mahahalata mo na gawa gawa lang.