Sa totoo lang marami akong nababasa sa signature campaigns na wala naman kinalaman sa topic yung post nila, kung baga walang kwenta. So, sa tingin ko maganda rin ang ginawa nila na required na magkaroon ng merit para maging Jr member para na rin maiwasan makasali sa bounty campaigns yung mga taong ndi naman talaga seryoso sa cryptocurrency. Ang gagawin na lang namin talaga e magpursige at mag post ng mga pwedeng maka tulong sa mga kagaya namin.
Tama iyan kabayan, kung baga ay tingnan ng positibo ang mga bagay na nangyayari at harapin ng may pagsisiskap upang maabot ang tagumpay. Dapat talaga ay maging masikap tayo na mag ambag ng panibagong kaalaman sa iba at maging seryuso upang maging mas katanggap-tanggap ang ating mga gagawin sa forum na ito.