Para sa aking opinyon kabayan. Baka wala na matira sa winidraw natin niyan mula sa mga exchange site tapos papatawan pa ng tax. at hindi naman gobyerno ang may hawak sa cryptocurrency. meron naman ng nakapataw diyan na transaction fees sa pagsend natin ng bawat coin. Maliban nalang kung mag tayo ang gobyerno natin halimbawa ng exchange site na kung saan doon natin kukunin ang pera mula crypto to fiat pwede yan malagyan ng tax. pero tiyak na maraming aaray diyan.
Sana ay tama na ang mga nakukuha ng exchange sa atin bilang tax, kasi kong legal ang negosyo ng exchange na ating ginagamit upang i-convert ang bitcoin to real money nagbabayad nadin sila ng tax sa governme kaya mataas na ang transaction fee sa ngayon, so sa ganung pamamaraan ay kumikita na ang government sa crypto currency kaya hindi na kailangan magpataw ng separate tax for small user of crypto.