Masyado akong na amazed sa isang kababayan natin dahil sa kanyang husay at galing dito sa forum. Lalo na sa pag bibigay ng mga mahahalagang idea at kaalaman na pwede nating ma i adopt sa ating mga sarili. Mas lalo akong na mo motivate dahil saknya, at para sa lahat lalo na sa mga gaya kong baguhan dito. Tularan natin ang mga ganitong uri ng tao dito sa forum.
Hindi naman sa sumisipsip ako, pero sya ang naging inspirasyon ko at ang mga kanyang gawa para maging mabuti akong tao dito sa forum at sya ang gusto kong tularan at sana ganun din sa iba. although I'm not a good poster and hindi perpekto minsan ang grammar ko. Pero kahit na papano sa mahigit isang bwan ko dito masasabi kong may nag improve sa way of posting ko.
Theyoungmillionaire profile
Makikita nyo rito kung gano sya ka dedicated sa ginagawa nya.
Mas marami pa ang merit na kanyang natanggap kesa sa kanyang activity, nangangahulugan lang na itong taong ito ay napakaraming na ibigay o naitulong sa forum at sa mga tao dito. Na mas prayoridad ang pagbibigay ng mga mahahalagang imporsyon sa iba kesa kumita ng pera.
Sana maging inspirasyon sa mga baguhan itong nagawa ni theyoungmillionaire.
Para sa ikauunlad narin ng ating mga sarili.
Ikaw sino ang naging inspirasyon mo na member ng forum?
Bilang isang filipino nakakaproud ang makakaita ng mga kababayan na ang tataas ng rank grabe, nakakaproud lang kasi talagang patunay lang ito na hindi nagpapahuli ang mga pinoy sa anumang larangan.
Mapa sports, cryptocurrency at kung anu-ano pa dahil marami yan o kaya sabihin nalang nating lahat. Laging merong mga pinoy na kayang kayang makipagsabayan, laging may mga pinoy na umaangat at dun ako talagang proud na proud. Ang sarap lang sa pakiramdam na my mga pinoy na angtataas na ang mga rangko.
Mahirap man abutin ang mga nagawa at natamo nila lalo na sa mga baguhan na tulad ko, pero naniniwala ako na basta gusto at may pag-sisikap at tyaga, sabihin narin nating basta pinoy, kayang-kaya.