Malapit nang matapos ang taon pero hindi parin bumabawi ang market, ano kaya ang posibleng dahilan ? Bali kasi ang nangyayari may nagaganap na pag pump ng price pero ilang araw lang ay muling babagsak nanaman ang presyo. Kumbaga Pump and dump lang ang nangyayari. Lalo marami ang sabik na sabik na magdump ng coins o bitcoin. Ngayon posible o mangyayari paba ang bullrun kung ang lahat ay sabik na mag dump ?
Ano ang ibig mong sabihin sa ini-highlight ko na, hindi pa rin bumabawi ang market? Wala naman akong nakikitang problema sa market, at iyong pump and damp sa market ay normal na pangyayari sa kahit anong market, maging sa forex, stock, atbp. Kung ina-akala mo o inaasahan mo na mangyayari ulit ang nangyari noong Disyembre 2017, sa tingin ko malabo na ulit mangyari iyon. Abnormal ang dire-diretsong pag-taas ng Bitcoin noon, dahil iyon ay produkto ng manipulation. Nasa ibaba ang ilan sa mga balita na nagsulputan nang nakaraang Mayo at Hunyo 2018, wala ka bang nabasa kahit isa?