Post
Topic
Board Pilipinas
Re: mga dahilan kung bakit dapat wag gawin fulltime ang crypto!!
by
Adreman23
on 02/10/2018, 08:21:15 UTC
Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:

1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)

mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..
Sa aking opinyon hindi ko kinokonsidera bilang isang uri ng trabaho ang kitaan dito sa forum. Kung hindi para sa akin eto ay isang pagkakataon para maka pag impok ng napakagandang inbensyon ng isang henyong tao na si Satoshi Nakamoto inventor ng bitcoin at blockchain. Ang bitcoin ay isang pinaka successful na digital foreign money sa mundo at ang blockchain naman ay isang pinaka magandang teknolohiya dito sa mundo na kung saan eto ay pinakamabilis na transaksyong pinansyal, pinaka secured, at napaka transparent. Sana eto ang ating tingnan sa pagsali natin dito sa forum hindi yung kumita lang. Tayoy mag impok ng bitcoin kung talagang naniniwala tayo na may future eto sa hinaharap dahil tayo din ang makikinabang pagdating ng panahon na ang isang satoshi ay katumbas na ng isang dolyar.