Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:
1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)
mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..
Kabayan, hindi lang bounty hunting, airdrops o investment ang pwedeng maging trabaho sa crypto. Napakalawak ng mundo ng crypto pwede kang maging community manager o telegram moderator na nagbabayad ng fiat o tokens na pwede mong gawing full time. Pwede kang maging social media manager, bounty manager,developer at marami pang iba na pwedeng gawing full time na trabaho.
Tama ka paps maraming pwedeng gawin para maging full time job ang crypto , at sa mga nabanngit mo ay mga source of income para maging isang full time job ang cryptocurrencies. Idadagdag ko na rin yung pagiging isang trader na malaki din ang kita kapagay alam ka sa pakikipagtrading sa cryptocurrencies. Pwede din itong maging isang full time job sa crypto.