Ang advantage lang sa amin ay nauna kami. Kung High Rank ka na sa tingin ko hindi ka na gagawa ng topic para sa merits.
Yung mga old users na pinoy dati baka nabenta na. Karamihan ng mga yun biglang pagmamay-ari na ng iba. Ang business kasi ng iba noon ay account sales. Hindi nila inaasahan na may merit system na darating kaya ngayon mahihirapan talaga yung nagbebenta ng accounts dati. Kung isa ako sa wala ng High rank account baka gagawa pa ako ng sampung tutorials araw-araw at bibili ng articles para maipost dito sa forum for merits.

O kaya maging scambuster ako para makakuha ng merits.
ang sinsabi kasi ng iba dyan bro ay ang paggawa ng thread na paulit ulit na. wag mong sisihin ang high rank dahil hindi sila nakakagawa ng bagong thread kasi hindi naman talaga biro na gumawa ng informative na topic. kaya pinagsasabihan ang iba na wag basta gagawa ng thread lalo na sa mga baguhan kapag wala naman talaga itong maitutulong sa ikauunlad ng nakakarami. ang problema kasi sa inyo o sa iba panay dito lamang nag sstay sa local board kaya panay ang reklamo nyo kapag sinita kayo
Pwede. Dun ka sa Scam accusation section. I bulgar mo ang kalokohan ng iba. Posibleng bibigyan ka ng maraming merits don. Pero kapag ang nabuko mo ay pinoy, palagpasin mo na after kokonti lang tayo pinoy dito.
tingin ko hindi tama na itolerate natin ang ginagawang mali ng kapwa natin pilipino dito kasi hindi lang naman sila ang naaapektuhan sa ginagawa nilang paglabag lahat tayo dito ay apektado, kaya dapat lamang bigyan ng aksyon ang iba para matuto, oo masakit man isipin na kababayan natin ang isusuplong natin pero yun lamang yung nararapat.