Syempre nakakalungkot kase bounty and airdrops lang naman ang alam kung gawin dito !!
Baha dahil jan kaya hirap maka kuha ng isang(1) merit ang mga users?
Sa totoo lang, kahit mag aral ka lang tungkol sa bitcoin or blockchain technology in general ng ilang oras sa isang araw, sapat ng kaalaman un para maka contribute sa topics at mabigyan siguro ng 1 merit. Pero hindi eh, hanggang bounty at airdrops lang talaga balak ng mga tao. So hanggang dun nalang talaga sila.
Ang hangad kasi ng mga users dito ay kumita ng pera imbis na makapag ambag talaga sa kaalaman at mga diskusyon dito sa forum. Hindi katakataka na hindi nakakatanggap ng merit ang mga users na pera lang ang hinahangad nilang makamit sa pagsali sa forum na ito. Nag implement si theymos ng ganitong system hindi para ang mga users na may mababang ranggo ay ma-deprive ng oportunidad na kumita at tumaas ang rank, kundi para ang mga users sa forum na ito ay ma-encourage talaga na makapag contribute sa mga discussion. Kung ikaw ay sasali sa signature campaign, hindi bat karapat dapat naman talaga na mataas ang kalidad ng posts mo?