Hindi naman sa kinukuwestyon ko yung mga nagbibigay ng merit pero napansin ko kasi everytime na nagbabasa ko ng mga thread nakikita ko na nabibigyan ng merit yung mga 1 liner or 2 liner na post tapos mataas na yung merit yeah i know naman na may laman yung sinabi nila kaso kasi nung may napansin akong maganda yung point na post and i can say quality post yun, but it didnt received any merit since newbie and 0 merit pa yung nagpost so bigla kong napaisip na dapat hindi lang lagi yung magaling na yung tinitignan (i mean yung may malalaking merit na) dapat bigyan pansin rin yung mga post nung mga nagsisimula palang. Wag sayangin ang smerit yun lang give chance to others.
Ps. Di ako nanghihingi gusto ko lang ishare yung thoughts ko kasi lagi ko talagang napapansin.
Yes, tama ka naman dapat ay pinagtutuonan din ng pansin yong mga post nang nagsisimula palang, kahit hindi ganun kabusog sa impormasyon kong maayos naman ang pagkakalahad at makakatulong sa iba, sana naman ay ibilang iyon sa mga post na pweding bigyan ng merit.
Isa rin iyan saking napapansin, kahit sana yong mga pagtatanung na pinagmumulan ng magandang usapan upang magbigay ng magandang impormasyon na makakatulong sa community ay dapat sana ay maging kwalipikado upang bigyan ng merit, pero wala tayong magagawa kong iyon ang kanilang standard sa pagbibigay ng merit, ang maganda nalang nating gawin ay gawing modelo ang mga taong kanilang binibigyan ng merit sa kanilang post na kahali-halina upang maging tayo ay tumanggap din ng merit.