Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:
1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)
mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..
Dapat kasi may back up plan tayo at hindi naman kasi talagang pwedeng iasa natin lahat dito unless sure na talaga na lahat ay nagamit nito kaya mas mainam yon dahil paniguradong gagawa sila ng mas malakas na seguridad para sa mga ICO.
Good to para sa mga students at pwede na ring pangdagdag ipon sa mga nagtatrabaho dahil hindi naman siya ganon kahirap gawin eh. Need mo lang ng patience at time.