Post
Topic
Board Pilipinas
Re: mga dahilan kung bakit dapat wag gawin fulltime ang crypto!!
by
condura150
on 07/10/2018, 13:13:08 UTC
Ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit dapat wag natin gawing full time na trabaho ang crypto:

1. hindi lahat ng bounty campaign ay nag babayad sa mga hunters. (wala tayong kasiguraduhan sa mga bawat campaign na ating sinasalihan)
2. walang kasiguraduhan ang pag iinvest. (pwedeng kang malugi pero pwede din naman kumita)
3. hindi tayo makakakuha ng experience na pwede nating gamitin sa pag hahanap ng trabaho.
4. wala tayong makukuhang benefits katulad ng health insurance etc.(what if mag kasakit ka and kelangan ng malaking gastusan sa pag papagamot)

mag lagay pa at ibahagi nyo ang mga naiisip nyo na mga dahilan..

Sa tingin ko hindi naman talag dapat gawing full-time na trabaho ang crypto lalo na kung meron ka namang regular na trabaho na pinapasukan araw-araw, yung regular na trabaho mo yung magbibigay sayo ng mga bagay na di maibibigay ng crypto sayo tulad ng sinasabi mong benefits tulad ng health insurance, mayroon ka ring buwan-buwan na sweldo sa regular mong trabaho. Sa tingin ko maari mong gawing part-time job ang crypto para lamang kumita ng extra kung talagang kinakailangan mo.