noong taong 2013, nag karoon nang pag taas mula 150 papuntang 1000 usd ang presyo ni BTC sa dalawang buwan lamang. Ayun sa research ni Gandal, Hamrick at Moore, ito ay minanipula nang isa o dalawang malalaking tao sa crypto at kasama na dito ang Mt. gox incident, at marami sa mga investors ngayon ang nag sasabing patuloy padin ang malalaking investors sa pag manipula sa presyo nang crypto, ano sa tingin nyo? heto ang karagdagang impormasyon patungkol sa bagay na ito.
https://techcrunch.com/2018/01/15/researchers-finds-that-one-person-likely-drove-bitcoin-from-150-to-1000/Sa ngayon ay mahirap ng manipulahin ang price ng bitcoin dahil sa dami na ng nagtitrade nito, madaming mga axchanges na din at madami na din ang mga holders. Maaaring manipulahin nila pero sa maikling panahon lang yun yung tinatawag na bull trap na kung saan pina pump nila ang bitcoin at saka ibabagsak napaka risky din nito para sa kanila dahil hindi lang sila ang mga big players sa bitcoin kumbaga labanan ng whales. Halimbawa pinapump ng ibang whales ang price ng bitcoin pero yung iba namang whales ay dinudump kaya kung titingnan mo yung candlestick eh aangat at bababa yung pinakamaraming pera na lang talaga ang mananalo sa bandang huli pero di pa din natin masasabi dahil pano kung makisabay yung mga small players ng bitcoin, totoo na konti lang ang ang mga funds ng mga nyan pero sa dami nyan at pinag isa ay daig nyan ang kahit sino mang whales na nagmamanipula ng price ng bitcoin. Sa tingin ko hindi na malaking issue kung mayroon man na nagmamanipula ng price ng bitcoin ngayon dahil kung gagawin man nila yun ay malaking risk yun at hindi assurance na kapag minanipula nila ay lagi silang panalo sa huli.