May natanggap akong email from coins ph requesting for extra verification (video call) dahil it's part of their standard KYC procedure daw. Alam ko yung iba dito naka experience na nito curious lang ano-ano ba ang mga itatanong nila sa video call? Kinakabahan ako ng kaunti baka mamaya biglang isara yung account ko kahit wala namang nalabag na rules.
In most of the cases and based on my experienced pati sa mga kakilala ko di natutuloy yan so no worries.
Pa-schedule ka na lang para di na mangulit kasi magreremind yan palagi then para may slot ka na agad kasi minsan punuan e. Not sure kung punuan pa rin ngayon. I already have 2 schedules sa kanila na di natuloy
(Level 2 to Level 3 then another one during Level 3 as extra verification). If ever di tuloy ang video call ang ginagawa nila is magsesend sila ng forms na sasagutan mo. Usual forms lang din for verification. I repeat na lang iyong Video Verification
(yes may ganito lol) then iyon ang pinasa ko. Then some papers etc...
If ever matuloy man iyong video call, sagutin mo lang nicely iyong tanong. Usual questions are source of income, workplace.. Sabihin mo lang may work ka. If wala naman, sabihin mo lang na freelance ka and you are receiving salary in crypto. Basta honest lang. Di basta basta nagcloclose ang coins.ph ng accounts.
