Suggestion ko lang, sana merong mag host ng site kung saan naka post dito lahat ng mga websites na phishing at scamming, tapos share share sa facebook para sa mga kabayan natin na mga gullible ay maging aware na scam na pala ang pinapasok nila. Marami kasi talaga sa mga kabayan natin ang nasisilaw sa mabilisang pagdami ng pera, kaya minsan kahit alam na nilang scam, papatulan pa din, nakakalungkot yung mga ganun na eksena, tapos magrereklamo kapag nawala na yung pera nila.