Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bawal ang Cryptocurrency sa Security Bank
by
SuicidalDemon69
on 14/10/2018, 13:12:58 UTC
Nuong nakaraan araw ay nagtangka din akong mag bukas ng account sa parehong bangko, Security bank at sinabi nilang hindi sila nag-oopen ng account kung ang funds dito ay magmumula sa crypto. Sinabi nilang High Risk daw ang usaping crypto at hindi daw ito pinapayagan ng Bangko Sentral kung walang kaukulang dokumento na nagpapatunay na galing sa legal ang pera, hindi din nila tinatanggap ang blockchain network records online. Kung other sources of income siguro ay pwede pa pero kung galing sa crypto ay mukhang malabo at ang masama pa ay maaaring ma hold ang funds mo at mahihirapan kang mag withdraw kung sakaling malaki na ang iyong naideposito.

So, ang tinatanggap lang pala nila ay iyong mga galing sa sariling bulsa at mga nag-invest sa crypto? Pero kung galing sa Bounties at Airdrop ang kita sa Crypto hindi nila tatanggapin? Hmmm.

Nagbigay pala ako ng mensahe sa anim na sikat na mga banko gamit ang facebook ngunit apat lamang ang nagreply. Hindi nagbigay ng detalye ang metrobank at unionbank. Basahin sa ibaba ang kanilang mga reply. Palagay ko mahigpit ang patakaran ng Bangko Sentral sa Cryptocurrency. Better to lie nalang para makapag-open ng account.

image loading...image loading...image loading...image loading...