Napansin ko napakarami ng mga bounty hunters na walang pakialam sa iba, nagbibinta sila ng kanilang coins kahit sa pinakamababang price para lang mabili agad ang kanilang coins hindi iniisip na bababa ang price ng coins na ibinibinta nila sa paraang pagbibinta sa mababang prisyo, sana sa ating mga Pilipino na mga bounty hunters matuto naman po tayo, isipin din natin ang iba at ang mangyayari sa hinaharap.
Nakakalungkot isipin, lagi nalang nangyayari ang ganitong bagay sumali nako ng dalawang bisis sa bounty campaign at same ganun din ang nagyayari, pababa ng pababa ang price ng kanilang coins dahil sa mga bounty hunters na nagbibinta sa mababang price.
Sana maputol ang mentality na ito, kahit sa mga Pilipino lamang upang mabawasan ang mga bounty hunters na may kaisipang tulad nito.
Depende sa sitwasyon at kinalalagyan ng tao yan brad. Kung yung bounty hunter nayun may matinding pangangailangan lalo na kung para sa pamilya niya, for sure kahit kaluluwa ibebenta 'nya kapalit ng ilang pirasong satoshis.

Hindi kasi lahat ng mga nandito sa forum na'to, may kaya, most of the bounty hunters here came for the money and usually, whenever na may makita silang chance magkapera, susugal at susugal yan, even if it means selling their hard earned tokens/coins at a very low price. Hayaan mo na lamang sila na mag-desisyon sa kung ano ang tingin nila ay tama. Besides, kung maganda talaga ang project, babangon at babangon ang presyo nyan; antay ka 'lang ng konti. HODL
