Di umano ang mga malignong telegram scammer na ito ay nagpapanggap na mga admin upang makapangnakaw ng pera ng mga tao. Kaya pinuntahan ng aming team upang kompirmahin ang sistwasyon ng ating kababayang di umano muntik ng mabiktima ng modus ng mga loko. Narito ang report: Nangyaring andun ako sa telegram group ng Latoken upang magpatulong sa akong deposit meron nag message sakin na di umano admin pagkatingin ko pareho naman sila ng username ng admin kaya di ako nagduda. Tinulongan nya ako, pinakausap niya sa akin yung technical support di umano ayun maayos naman ang daloy ng usapan hanggang sa hiningan ako ng 0.075 btc para di umano mapadali ang transaction ng aking deposito. Buti na lang di ko na pinansin pinabayaan ko na lang at isang araw ang lumipas dumating na yung token sa wallet ko. Mag ingat tayo mga kapamilya sa modus ng mga scammer na ito.
Di na ako magtataka sa ganitong garapalang kalakaran na ginagawa ng iba para lang makapanloko sa kanilang kapwa para bang wala na talaga silang magawa sa buhay kundi mamiktima at siguro din marami silang naloloko kaya tuloy ang kanilang gawain. mabuti nga itong naranasan mo at madali lang ma-detect na nanloloko lang talaga ang masaklap yung mga paraang di mo talaga maisip na niloloko ka na pala tulad ng phishing at iba-iba pang mga creative and new ways to fool people around especially the newbies or those who are just new in the world of cryptocurrency. Kaya nga di na ako magtaka kung marami ang iniuugnay ang cryptocurrency sa mga scams kasi nangyayari rin naman talaga. Ang mahirap nga lang wala tayong kakayahan na pigilan ang manloloko ang magawa lang natin ay i-warn ang mga katulad natin upang si sila mabiktima.