maraming salamat kabayan naka pinned to sakin para lagi ako update
Maraming salamat kabayan. Makakaasa ka na lahat ng ICO na ilalagay ko sa aking channel at lehitimo. Umay na po talaga ang scammers kawawa naman tayong mga pinoy na di naman ganung kayaman na bansa at nabibiktima pa.
Sumasabay sa pag-usbong at pag-usad ng cryptocurrency ang mga scams na ang hangad lang talaga ay makalikom ng pera galing sa kanilang mga biktima. Marami na ang nawalan ng pera di lang dito sa ating bansa kundi pati na sa mga malalaking bansa dahil pareho lang naman tayo na pwedeng maakit sa mga matatamis na mga pangako ng mga scammers na to. Kaya nga kailangan talaga mag-ingat peero talagang may mga proyekto na nakakalusot kasi nga mga scammers ay napaka-creative din pagdating sa panloloko. Gusto kong malaman ano ang mga hakbang o pamamaraan na ginagawa at ginagamit mo para di malusutan ng mga scam projects? Scams are actually the bad apples in the crates making the industry of cryptocurrency getting some bad raps from a lot of people.
Nais ko ding malaman kung ano ba ang iyong pamamaraan para siguruhing ang mga ICO na iyong ilalagay sa iyong channel ay lehitimo. Hindi sapat ang pangako na itataya mo ang iyong bitcointalk account kapag nagkamali ka at nailagay mo ay scam ICO pala. Kung ang iyong mga pamamaraan ay epektibo at tunay na maaasahan ay sigurado ako na tatanyag ang iyong channel at madami ang lalahok dito. Maaari mo ba kaming bigyan ng higit pang impormasyon tungkol sa gagamitin mong pamamaraan para makita na ang isang ICO ay lehitimo? Maraming salamat