Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
coins.ph.Julze
on 07/11/2018, 02:52:37 UTC
Hello coins.ph gusto ko sana isuggest na maglagay din kayo ng fingerprint password sa coins.ph app katulad ng NEM wallet. Ang ganda po nya, mas safe po talaga sya at may 2fa GA pure secured ang wallet. Syempre yung ganung fingerprint at para lang din sa mga mobile na may fingerprint din po, Astig sya talaga at bagong security. Siguro di lang ako ang nagsuggest nito. Aabangan ko iyan sa coins.ph syempre matic na kapag ang cellphone or gadget mo ay may fingerprint ibig sabihin madami ka din na perang tinatago sa coins.ph. Pero sa totoo lang dagdag security talaga ultimo kamag anak di talaga makakaopen ng wallet. Di tulad sa 2FA GA pwde gawin yun basta alam o marunong gumamit ng GA.

 ok naman tong suggestion na to for me pero napakadaming users pa din siguro yung hindi afford yung mga cellphone na may fingerprint. siguro ok na yung 2FA na code lang katulad sa google authentication para mas madali pa para sa lahat.

on the other hand, meron na ba dito nakapag try mag cashout direct sa bank account nila ng 100k pataas sa isang transaction lang? dati kasi nung nag try ako mag cashout ng lagpas 100k sa isang transaction lang ibinalik nila yung pera ko sa php wallet

Finger print is a good one. Pero it will remain an option since hindi lahat sang ayon.

Saken kasi 400k limit daily. Baka yung limit mo ang dahilan ba't naibalik. Tried 300k+ maraming beses na and okay naman.

Sa mga may experiences sa Coins Pro. Okay ba talaga siya? Gusto ko rin magtry at maglipat ng pera pang trade habang mababa pa si bitcoin ngayon.

400k din ang limit ko daily sa cashouts kaya nagtataka ako nun  kung bakit ibinalik sa peso wallet ko yung pera ko. Kung hindi ako nagkakamali 120k yung cashout ko that time kaya hinahati hati ko na lang ang pera ko ng tig 50k kapag mag cashout ako simula nangyari sakin yun
Ang pagkakaalam ko po. 400k din sakin, pero ang maximum withdrawal is 50k so if 400k daily withdraw makakapagwithdraw po tayo 8x 50k=400k daily withdraw. Sa pagkakaalam ko lang po sa coins.ph.

Kung ganun nga, dapat meron sila notice man lang na maximum 50000 per cashout transaction at hindi na agad tanggapin kapag lagpas 50k kasi sa egivecash may lumalabas naman na parang note kapag lagpas sa maximum yung sinusubukan mo icashout pero kapag sa banks wala naman lumalabas na note kung magkano ang maximum hehe
Meron naman po talaga silang notice na bawal lumampas sa maximum withdraw limit e. check mo po

Hindi mo yata naiintidihan ang sinasabi ko kaya magbibigay na lang ako ng example

Kapag nag try ka mag cashout kunwari ng 6000 sa security na meron 5000 limit per transaction may lalabas na notice na kulay red "Maximum allowed amount for this outlet is P5000"

Ganyan po ang sinasabi ko na kung 50000 ang limit sa mga bank cashouts sana may notice na ganyan din ang lumalabas pero wala naman
Hello po! Maraming salamat po sa participation ninyo sa thread na ito Smiley Ang pag-cash out sa banko ay nagdedepende sa inyong account limits at sa limits ng cash out option na iyon. Maaari po na 400k ang inyong cash out limit ngunit ang maximum amount na maaaring i-cash out para sa bankong naipili ay less than 400k. We suggest na gumawa na lang po kayo ng multiple transactions. Feel free to also message us at help@coins.ph if you need more help! Smiley