Ask ko lang mga kababayan, pano ang ginagawa nyong mga paraan para mainspire ang iba para iadopt ang bitcoin?
Usually nakakahikayat lang ako pagnalalaman nila na kumikita ako pag nagbibitcoin ako or pag sumasali ako sa mga bounty.
In additional to this, gaano na po kalaki ang kinikita nyo sa pagsali sa mga bounty para naman madami din po ang mainspire sa inyo dito sa forum. salamat po.
Mahirap talagang hikayatin ang mga katropa ko na iadopt ang bitcoin o cryptocurrency, pinagkakalaman nila akong parang networking pero di ko sila masisisi dahil ganito ang tingin ko dati. Pero meron namang mga katropa ko ang naturuan ko na dahil pinakita ko sa kanila ang resulta ng mga paghihirap ko sa pamamagitan ng nagpapasama ko sa kanila sa mga payout ko para makita nila na hindi ako nagloloko.