Napaka gandang balita po ito para sa ating lahat at sa mga Pilipinong gusto magkaalam tungkol sa bitcoin.
Ang blockchain technology ay hindi lang po sa bitcoin o cryptocurrency pwede mo din etong magamit sa ibat ibang larangan tulad halimbawa ay magagamit mo eto sa voting system kapag election dito sa pilipinas na kung saan ang lahat ng tao ng gustong makita ang laman na mga data ay pwede nilang tingnan pero hindi mabababago kayat maiiwasan kung mayroon mang dayaan o pagmamanipula na magaganap. Maari din etong gamitin sa ibat ibang departmento ng gobyerno tulad ng DOH, DENR, Bureau of Custom, DPWH at madaming iba pa para mamonitor ang mga data at maiwasan ang korapsyon na alam naman nating talamak dito sa ating bansa.