Mas maganda talga pag mayroon kang alam o karanasan na si crypto dahil mas alam mong may sense yung sinasabi di mo na kailgan gumawa ng quality post kung shinashare mo yung alam mo sa crypto nakakatulong ka sa iba sapat na siguro yun para bigyan ka nila ng merit

Ito ung main problem mostly. Nagrereklamo ung mga tao na walang nagbibigay ng merit, eh pagkatingin mo sa post history, sobrang obvious na walang masyadong alam tungkol sa bitcoin or cryptocurrencies in general. Sobrang daling masabi kung ang isang user ay pa-pilit na gumagawa ng posts para lang mismo sa merit.
Ewan ko ba kung bakit parang sobrang hirap sa karamihan ang magbasa man lang ng pakonti konti araw araw tungkol sa bitcoin o cryptocurrencies. Masasabi mo talagang andito lang dahil lang sa pera eh.
Siguro kung lahat ng mga tao nag basa, bawas na siguro yung mga paulit ulit na post at yung mga basta lang nag popost.
Hindi din natin masabi kung pano sila napadpad dito pero kung nangangailangan talaga ng pera, gagawin lahat eh. Pero kung iisipin nila, wala naman talagang madali paraan para makakuha ng pera, kailangan talaga ng sipag. Yun talaga kailangan at pwede nila simulan sa pag babasa ng mga tamang content dito sa forum.
Agree po ako jan sa iyong binahaging opinyon, pero hindi rin nmn po natin maiaalis ang realidad na isa sa pinakamalaking rason nang lahat kung bakit sumali sa forum na ito para kumita nang pera. Ou meron dn naman na gustong tumulong lamang sa forum na ito pero di natin maiaalis ang salitang pera sa lahat. ^_^ Kaya nga agree din ako sa opinyon mu na magkaroon nang sipag at tyaga sa pagtuklas nang malalim na kaalaman sa forum na ito upang makatulong din sa bawat isa at syempre kumita din nang pera yan ang realidad at hindi tlga natin maiaalis yan ! ^_^