share ko lang base sa experience ko, last year nung nag try ako mag open ng bank account sa BDO nakapang bahay lang ako na suot t-shirt at short pero medyo ok naman compared sa ibang pangbahay kaya napakadaming tanong sakin sa CS. last time naman nag open ako ng account sa BPI na maayos na yung outfit ko, ayun walang tanong tanong, pinag fill up agad ako ng form tapos naghintay lang ako ng 5-10mins tapos na yung account ko. siguro malaking tulong kung anong outfit yung suot natin hehe
minsan ganun nga sir tumitingin ang tao sa kasuotan natin kaya minsan hindi tayo na aaproved. kahapon nga kasama ko asawa ko naglabas kami ng pera worth 300k, nakapangbahay lang kami parehas halos inabot kami ng 2 oras bago nila i release ang pera. halos tignan nila kami mula ulo hanggang paa.