Post
Topic
Board Pilipinas
Re: HUWAG MONG SAYANGIN ANG TIME MO NA DI KA MATUTO DITO SA BITCOINTALK ng Bitcoin
by
faithparungao24btt
on 17/11/2018, 02:21:47 UTC
Magandang umaga sir! sa pagbabasa ko, nabuhayan ako nang loob, nawala ang cellphone na ginagamit ko para sa bitcoin at crypto currency, nagkataong ndi ko nasave ang private key nun, sayang at marami nang coins at tokens na maaaring naglalaman na nang halaga. Pero dahil sa post mo, muli ako lalong nagkaroon nang interes sa muling pagbuhay nang mundo ko sa ganitong larangan. Mahirap ang buhay dito sa Pinas, na kahit employed ka nang matawag ay kulang ang kinikita, kaya nag babakasakali ako na kahit papano magkaroon ako ng income dito. Taong 2017, ako nagsimula, natigil nang halos 6 na buwan, dahil sa pag aaral. Kaya sa kasalukuyan, nakalimutan ko na ang pagsali sa bounty, o mining na tinatawag. Sa nabasa ko sa post mo, marahil marami kang pwedeng itulong sa kagaya ko na nagsisimula muli, ano pa ang dapat kong gawin? at saan mo ako mairerekomenda na magsimula ulit? salamat.