Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang mga bagay na dapat malaman ng baguhan sa crypto?
by
Inkdatar
on 18/11/2018, 07:28:40 UTC
Nagsimula ako sa crypto at bitcoin noong October 2017, halos isang taon na rin ang nakalipas. ngunit dahil sa mga bagay na dapat asikasuhin, tulad nang pag aaral at trabaho napabayaan ko na ang pagsali ko dito. isa pang dahilan ang pagkakawala nang cellphone ko, na marami nang coins at tokens ang naipon, dahilan para lalo akong mawalan nang gana sa pagpapatuloy sa crypto at bitcoin. Ngayong malaya na muli ako sa aking gawain, nais ko din sumubaybay sa mga talakayan dito, kung paano ulit magsimula. Sa katagalan din nang aking pagkawala, may mga bagay na akong nakalimutan at ndi maintindihan. Salamat sa sasagot!
Kung nawalan ka naman ng gana sa larangan ng crypto subukan mo ulit at tingnan mo nalang ung iba na naging bihasa na sa mundong ito. Kailangan kasi sipag at tiyaga lang dito para makaipon ka kung mahina ang loob mo sigurado hindi ka mananalo. Maging determinado lang para matuto at maraming paraan para matuto tayo at kumita sa crypto.