Salamat Coins.ph sa mabilis na pagtugon sa problema ko, sa wakas verified na rin yung wallet ko at level 3 na rin ito. at makakapaglabas na rin ako ng malaki laking pera sa susunod na cashout ko.
kapag ba maglalagay tayo ng pera sa coins.ph sadya ba talaga na may deduct na. never pa kasi ako nagcash in sa 7'11, sa paymaya kasi walang kaltas kahit magpasok ka ng pera mo.
wala naman bawas yung ipapasok mo na pera sa coins.ph bale ang mangyayari lang dyan ay kunwari magpapasok ka ng 1000 pesos thru 7-11 ang babayaran mo dyan kung hindi ako nagkakamali ay around 1100 pesos. hanap ka na lang din muna ng may mura na cash in fee. ang alam ko sa unionbank may fee rebate sila e, so ibabalik ni coins.ph yung fee na ibabayad mo kay unionbank
oo wala naman talaga bawas yung ipapasok na pera, i mean may transaction fee kasi sa paymaya wala kang babayaran na transaction fee kapag nagpasok ka ng pera, sana gayahin rin ng coins.ph yun para mas marami silang mahikayat na tatangkilik nito. mapapalipat pa nila ang gumagamit ng paymaya kung magagawa nila yun kasi mas maganda naman talaga sa coins.ph mas maraming features na pwede nating gamitin at pakinabangan