Ang tagal ng wala ng EgiveCash pala. Kanina ko lang sya napansin via status.coins.ph. Bihira ako magwithdraw ng small amount these past months kasi naglabas na ako ng isahan pero kanina need ko lang magwithdraw ng small amount and dun ko lang nakita.
So ang natitirang "medyo instant" in terms of withdrawal is:
a) Cebuana - Alam naman natin na lahat na nagtaas na sila ng fees. Iniwasan ko na rin ito.
b) LBC - Insant with no fees. Iyon nga lang sa ibang area medyo malayo ang LBC unlike Security Bank ATM.
Ive sent a message to coins.ph just now about sa Security Bank Egivecash Status.
Di ko pa nasusubukan yung bagong fee ng cebuana pero kung maliit lang naman mas ok na din dun kesa mahassle ka sa paghahanap ng LBC branch o mamasahe ka pa diba. Sa egive cash sana ok na ok yun ang problema lang kasi yung service nila mas madalas pa yung offline nila e.
sa pagkakaalam ko ang bagong fee structure ng cebuana cashouts ay masakit na sa bulsa, 2% na so kung magcashout ka ng 50k pesos ay 1k pesos na yung fee nya. mas maganda pa din talaga na direct na lang sa bank account kung hindi naman sobrang kailangan ng instant na pera. o kaya mag security bank na lang kung medyo maliit na halaga lang naman ang kailangan