Ang tagal ng wala ng EgiveCash pala. Kanina ko lang sya napansin via status.coins.ph. Bihira ako magwithdraw ng small amount these past months kasi naglabas na ako ng isahan pero kanina need ko lang magwithdraw ng small amount and dun ko lang nakita.
So ang natitirang "medyo instant" in terms of withdrawal is:
a) Cebuana - Alam naman natin na lahat na nagtaas na sila ng fees. Iniwasan ko na rin ito.
b) LBC - Insant with no fees. Iyon nga lang sa ibang area medyo malayo ang LBC unlike Security Bank ATM.
Ive sent a message to coins.ph just now about sa Security Bank Egivecash Status.
try mo palawan paps , mura lang fees kumpara sa lbc at cebuana and downside nga lang ay matagal mo mawiwithdrew ang pera mo . ang sa egive cash naman medyo risky din ito base sa mga feedback na narinig ko , may times kase na hindi lumalabas ang pera sa atm .
Lahat po may disadvantage sa withdrawal, Sa ceb nagtaas daw ng fees. Sa palawan di talaga mabuti ang pagwithdraw dyan kung emergency dahil matagal ang proseso. Kailangan advance ang withdraw time sa oras na kailangan ang pera. Maaga dapat kung hapon pa kailangan ang pera. Kung emergency lang talaga the best cebuana. Pero depende padin sa branch ng cebuana kung matao ito.