Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isang Dahilan Bakit Bearish ang Market
by
aervin11
on 04/12/2018, 05:08:33 UTC



Isa sa mga nakikita kong malaking dahilan bakit bumaba masyado ang price ng Bitcoin at ng madami pang altcoins ay sa kadahilanang mababa ang volume of demand at dahil dito madali syang mapababa pang masyado ng mga market players. Nawala na ang mga speculators na nagpataas ng Bitcoin sa nakaraang taon.

Marami ang nawalan ng pera sa cryptocurrency market kaya marami na ang umalis at baka di na bumalik. Sa aking nakikita dumidilim ang kinabukasan ng Bitocin at ng buong merkado...kailangan ng mga bagong bagay at pangyayari para manumbalik ang trust and confidence ng maraming small and big investors.

Ano-ano sa tingin mo ang mga bagay at pangyayari na makakabago sa direksyon ng merkado...aside from the ETF, of course.

Real world use case. Nagagamit naman talaga ang bitcoin bilang isang digital currency hindi nga lang worldwide, ang kailangan ay mapatunayan muna ang halaga ng bitcoin o kahit anong cryptocurrency kung saan man ito nabibilang. Kung alam na ng mga tao kung saan nila magagamit ang kahit anong cryptocurrency ay doon palang sila bibili, hindi bilang investment kundi bilang utility na maaaring pamalit sa kanilang fiat.