Isa sa mga nakikita kong malaking dahilan bakit bumaba masyado ang price ng Bitcoin at ng madami pang altcoins ay sa kadahilanang mababa ang volume of demand at dahil dito madali syang mapababa pang masyado ng mga market players. Nawala na ang mga speculators na nagpataas ng Bitcoin sa nakaraang taon.
Marami ang nawalan ng pera sa cryptocurrency market kaya marami na ang umalis at baka di na bumalik. Sa aking nakikita dumidilim ang kinabukasan ng Bitocin at ng buong merkado...kailangan ng mga bagong bagay at pangyayari para manumbalik ang trust and confidence ng maraming small and big investors.
Ano-ano sa tingin mo ang mga bagay at pangyayari na makakabago sa direksyon ng merkado...aside from the ETF, of course.
Isa nga sa mga dahilan nito ay kayang-kaya pang manipulahin ng mga malalaking namumuhunan ang crypto kaya kayang-kaya nilang ibagsak ang presyo ng bitcoin pero sa tingin ko ang magpapabago dito ay ang mga malalaking kompanya na naglilipatan na sa cryptocurrency at blockchain na may totoong use-cases talaga na makakatulong sa buong mundo. At sa isang taon sana ay matira nalang talaga ang mga seryoso at lehitimong mga proyekto na maglulunsad ng kanilang ICO o STO.