Isa sa mga nakikita kong malaking dahilan bakit bumaba masyado ang price ng Bitcoin at ng madami pang altcoins ay sa kadahilanang mababa ang volume of demand at dahil dito madali syang mapababa pang masyado ng mga market players. Nawala na ang mga speculators na nagpataas ng Bitcoin sa nakaraang taon.
Marami ang nawalan ng pera sa cryptocurrency market kaya marami na ang umalis at baka di na bumalik. Sa aking nakikita dumidilim ang kinabukasan ng Bitocin at ng buong merkado...kailangan ng mga bagong bagay at pangyayari para manumbalik ang trust and confidence ng maraming small and big investors.
Ano-ano sa tingin mo ang mga bagay at pangyayari na makakabago sa direksyon ng merkado...aside from the ETF, of course.
Sabi naman ng iba, kung matagal ka na dito sa crypto, hindi na bago yung gantong trend sa presyo nyan. Bumababa pagkatapos ng isang taong prosperous yung buong community tapos ilang taong ligwak. Tapos balik na naman sa isang taon na antaas na naman masyado. Parang manipulado masyado para may maattract. Pero sana may magandang marating ung ETF. Yun kasi talaga nagpaligwak ng presyo ng bitcoin sa buong taon ng 2018 e.