Isa sa mga nakikita kong malaking dahilan bakit bumaba masyado ang price ng Bitcoin at ng madami pang altcoins ay sa kadahilanang mababa ang volume of demand at dahil dito madali syang mapababa pang masyado ng mga market players. Nawala na ang mga speculators na nagpataas ng Bitcoin sa nakaraang taon.
Marami ang nawalan ng pera sa cryptocurrency market kaya marami na ang umalis at baka di na bumalik. Sa aking nakikita dumidilim ang kinabukasan ng Bitocin at ng buong merkado...kailangan ng mga bagong bagay at pangyayari para manumbalik ang trust and confidence ng maraming small and big investors.
Ano-ano sa tingin mo ang mga bagay at pangyayari na makakabago sa direksyon ng merkado...aside from the ETF, of course.
Isa sa nakikita kong dahilan kung bakit patuloy na bumabagsak ang presyo ng bitcoin ay dahil sa Institutional investments and whale manipulation, alam naman natin na sila ang may hawak ng malaking parte ng presyo ng bitcoin dahil sila ay may hawak ng maraming bitcoin. Siguro gusto nilang sumubok ng panibagong strategy kung paano pasiglahin yung market at pagmamanipula ang nakita nilang paraan, soon and sooner sa tingin ko magkakaroon ng malaking price bounce.