Meron na ding nag invite sa akin dito nagbukas pa cla ng office ng airbit club bacolod pero akala mo coffee shop lang cla kasi yung front nila. Muntik na akong magjoin kaso sabi ko saka na wla pa akong pangbayad kasi need daw 13k+ para makajoin pero mas mabuti daw kung 50k yung membership na bibilhin ko. Napadaan ako nung soft opening nila talagang ang daming dumalo sa pagtitipon nilang yun. Di lang ako sure kung mga members lahat yun basta nadinig ko merong taga capiz na nandun daw sa event na yun. Buti na lang nag search muna ako bago pa ako makasali at talagang napakaraming bad reviews. Meron ding nakapagsabing malaki raw naitulong sa kanila yung airbit club. Ewan ko pero takot ako sa ganyan