Hindi ko alam ang backstory ni Chavit pero ang narinig ko lang is siyempre, naging government official, tapos yun ang yaman na. Haha.
Malakas sa sugal yan, sa lahat ng laban ni People's Champ nandun yan. Di ko lang alam kung kayang dalhin ng pangalan nya yung gagawin nyang coin. Marahil ay nakita nya na maganda ang risk-reward ratio kung sakaling magtagumpay sya sa coin na yan. Pwede na rin siguro bigyan ng chance. Alam naman natin agad kung sakaling scam yung coin. Tayo na lang mismo ang magpaliwanag sa mga malapit saten para di sila mabiktima.
Woops. Missed that. Actually mas malala pa ata dahil ERC-20 token lang. E mostly lang naman na gumagamit ang mga projects ng ERC-20 dahil kailangan nila ung smart contracts aspect ng Ethereum platform. Tapos gagamit sila ng ERC-20 para sa pang transactions and store-of-value? "Gold" pa ang gusto. 🤦🤦🤦🤦🤦 Kung akala natin na fork ang gagawin nila, mas tamad pa pala na paraan. Dinaan nalang sa ERC20 para easy easy.
Malalang malala talaga lodi. Baka gagawa rin sya ng blockchain gambling.
may magandang epekto din ito sa since makakapag build nga ng awareness ito sa public kasi for sure magkakaroon ng maganda gandang marketing yan para mabenta mga coins nya which is makakapag build up din ng magandang image sa public ang crypto dahil sa isang kilalang tao dito satin ang nag launch nung project dahil na din sa purpose nito.
Di ako sigurado kung maganda nga. Diba meron na dating networking scheme na ginamit ang bitcoin?
https://www.rappler.com/nation/199915-filipino-couple-amasses-millions-bitcoin-scamKaya malamang maraming aware na sa scam ginagamit ang bitcoin. Magawa kaya ni Chavit na baguhin ang image ng cryptocurrency sa Pinas?