Masyado na maraming tao dito at paonti ng paonti ung pinaghahatiang bounty sa mga campaign.
Di ko alam kung paano naisipan ng mga bounty cheater ang ginagawa nila, lalo na sa social media bounty. Sa sobrang dami na nila, di man nila naisip na pinapagod nalang nila mga sarili nila, at ang masaklap, yung mga "one-man, one account" ang napeperwisyo.
Wala namang masama sa pag gawa ng multiple account sa same IP address( tawagin na rin nating alt account) kung hindi mo naman ito gagamitin pareho sa bounties at kung gagamitin mo lang ito para sa seguridad ng iyong main account.
-
Dagdag ko nalang, kahit di ka ma-ban, pwede kang magkaroon ng negative trust na inaayawan din ng mga bounty manager. Merong active na naghahanap ng mga bounty cheater dito sa forum, at umabot na sa libo yung mga nahuli.