Sa mga mainstream medias, may mentality sila na dapat pagnag-deliver ka ng news, it should be short but packed para meron ding time para sa susunod.
Napansin ko lang, wala pa sa kanila ang gumawa ng documentary video about cryptocurrencies at wala ring mainstream media about stocks, bakit kaya? Could it be that the majority don't care? Or masyado pang maaga para malaman ng mga pilipino ang pag-i-invest?
Dahil limitado pa ang market audience sa mga bagay na ito. Kung ikaw isang malaking media outfit, bakit ka mangsasayang ng time allocation kung ang interested audience ay maliit pa lang? Ang isang segundo sa mainstream media ay napakamahal...at syempre gusto ng mga advertisers na ang mga shows na kukunin nila ay mataas ang mga ratings. Common sense na yan...wala yang halong agenda o ano pa man kund commercial viability ang iniisip nila. Sa mundo ng negosyo ng media malakas ang competition kung di ka mag-isip na maraming paraan para sa mas malawak na audience ay uuwi kang talunan. Don't expect the main news outfits to focus so much on something that is still new like cryptocurrency. At di nila trabaho yan...ang cryptocurrency is actually with the people and not with the institutions or establishments.