Dumaan lang to sa twitter ko na kapag mas bumaba pa sa $3000 ang isang bitcoin maaaring mag zero ang value nito. Naniniwala ka bang mangyayari ngang ang bitcoin ay bababa hanggang zero? Parang mahirap isiping zezerohin nya ang presyo nya e marami syang followers and believers. Isa ako sa believers ni bitcoin at kahit may matinding naging kritiko sya laban kay bitcash, di ko iniwan si bitcoin kaya di mangyayaring mazezero ito.
Kung magpapatuloy sa pagbaba ang price ng bitcoin ay maraming mga investors and bitcoins users ang mababahala na bumili ng bitcoin at gumamit nito at kung magkagayon ay liliit ang community nito kayat maari ngang sa ganung paraan ay mawala ang price ng bitcoin kung mauubos ang mga taong gumagamit nito, ngunit isang malaking kalukuhan na isipin na mauubos ang mga taong nagtitiwala sa bitcoin kayat malabong bumaba ang price ng bitcoin tulad ng iyong binanggit.