Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nabiktima ka na ba ng salitang HOLD!??
by
eagle10
on 08/01/2019, 10:42:57 UTC
Para sa akin hindi ko inaadvice ang salitang Hold sa lahat ng pagkakataon. Kunwari nag invest ka sa isang coin na hindi mo naman ni research at na hype ka lang tapos nag dump, tapos sinalo mo naman , pagkatapos mong sinalo mas lalong nagdump na naman so on and so forth salo ka ng salo. Kakasalo mo, sasabihin mo pang the POWER OF HOLD?😂kasi sobrang talo ka na at wala ka nang kapital.

Well, wag kayong maniniwala na sa lahat ng bagay epektibo ang "HOLD" . Paano kung down trend pala ang hinohold mong coin?Pasok ka ng pasok.Paano kung after 10 years ganun parin bagsak parin ang pera mo, di mo alam shitcoin pala ang hawak mong coin mo.

So para sa akin ang pinaka epektibong paraan ay i research mo muna ang coin mo wag na wag kang mag papahype o maniniwala sa mga recommendation o madadala sa mga charismatic na tao sa mundo ng crypto. Maging responsable ka at wag kang aasa sa iba.

At ang pinaka mahalaga sa lahat ay may CUT LOSS

 ka, ugaliing maghanda ng plano para sa cut loss mag deep man atleast safe ka at hindi matetengga ang pera mo ng matagal. Wag kang greedy at wag kang maniwala na forever mag pupump ang market , dapat may target sell ka din , wag ikakasama ng loob mo if yung coin mo is nag moon nuong nabenta mo. Profit is profit atleast dika tengga.

Responsibilidad mo o natin ang salitang hold o sa crypto language ay hodl dahil tayo ang nagdedesisyon kapag nagiinvest tayo kahit pa may nasaliksik kang ayon sa gusto mo at sinunod mo ito hindi ibig sabihin ay nagpasulsol ka na na mag hold kundi un ay dahil sa mga naresearch mo na umapekto sa desisyon mo.