Sa tingin ko isa ka sa mga taong mali ang pagkakaintindi mo sa Bitcoin at Cryptocurrency. "Crypto"? Ano nga ba yun? Talaga nga namang walang makakaalam nyan kung yang salita lang ang gagamitin mo. Sinabi mo pa sa iba na may income sa Bitcoin, at yan ang isa pang maling interpretasyon na nagsilbing lason sa lahat. Ang mga reward na nakukuha dito sa forum ay pawang reward lamang, hindi ito "source of income". Kung pagbabounty lang ang ginawa mong pakay dito, sayang naman at wala kang ibang natutunan. Ang pangunahing layunin ng Bitcoin ay ang pagkakaroon ng seguridad sa pakikipag-transaksyon sa internet nang hindi kinakailangan ng pagbubunyag ng personal na impormasyon. Kung tutuusin, hindi natin kailangang ipalit sa pera ang nakukuhang bitcoin / altcoins kung talagang naniniwala ka sa kakayahan ng cryptocurrency. Mukhang ikaw din ay kailangang matutunan ang TAMAng impormasyon tungkol sa bitcoin. Eto ang link kung may time ka, basahin mo at iappreciate ang kagandahan nito.
Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash SystemSa tingin ko may punto ko na malakas. Tama ka na hindi pangunahing layunin sa bisyon ng cryptocurrency ang pagiging "source of income" nito. Ngunit hindi ibig sabihin na mali na hindi ito pwedeng pagkakitaan. Huwag na tayong mag kaila na pwedeng maghanap buhay at maging "source of income" ang cryptocurrency. Marami na akong nakikilang mga tao ang iniwan ang kanilang "legit" na "source of income" dahil mas nakakakita sila ng opportunidad sa Cryptocurrency. Hindi maiiwasan ang malikot na utak ng taong dumiskarte ng pagkakakitaan sa buhay at ang pagpaskil ng salitang currency sa crypto ay isang magandang paraan ng pagkakakitaan.
Hindi naman sinabi ng nagpost na iyon ang pinakalayunin ng cryptocurrency, ang pinamahagi niya lamang ay ang kanyang karanasan ng opportunidad sa cryptocurrency. Isang malaking segway lang ng mga tamad na sabihing hindi "source of income" ang teknolohiyang ito.
Ang nais lang naman ay maorient ba ang mga tao sa natural na kalikasan ng crypto. Kung gaano marahil ito kabilis magbago o ang pagiging volatile nito kumpara sa tunay na pera o fiat. Yung basics lang, walang mali.
Dadahan dahanin, hindi ipapakilala bilang isang pagkakakitaan ngunit ipapakilala bilang isang bagong teknolohiyang maaring magagamit sa mga susunod na panahon. Saka na matutunan ng tao kung paano madiskartehan ang teknolohiyang hindi nila alam dati. Madalas sa pagiging ignorante tayo na sscam. Itigil na natin ang pagsisi, yakapin nalang natin na kailangan muna talagang matuto bago ka didiskarte.