Anung advice niyo sa pag cashout ng mabilisan? As much as possible yung di kailangan ng government ID. College student kasi yung pinsan ko siya inuutusan ko mag withdraw ng pera ko from coins ph so di tinatanggap ang student ID niya specially big amount. Ako naman isa lang ID ko pero gabi kasi ako gising gawa ng online ang trabaho ko. As of now disable pa din yung egivecash in coins ph eh. Amount na usually winiwithdraw ko is 50-100k depende sa incentives if na hit yung mga targets namin.
As of now i'm thinking yung LBC peso pack padala na lang. Kaso need din ba government ID nun? Tulog ako pag umaga so more or less sa mga kasama ko dito sa bahay ang tatanggap. Puro din walang government ID. College students din kasi.
ang maganda mong gawin kung wala naman ibang choice hanap ka na lang ng iba mong pwedeng gawing medium ng cash out mo, or sacrifice mo oras mo sa umaga para makuha mo ung cash out mo di naman mahirap un, or kung may bank account ka dun mo na lang idaan paunti unti, ako kasi sa BPI ko kina cash out e.
Di naman ganun kadali sir. Kasi dahil sa trabaho ko. Natatapos ako ng around 8am then nagigising ako ng around 5-5:30pm. Tsaka tanda ko kasi nag rerequire ang mga remittance(cebuana at ml) ng 2 government ID pag malaki amount diba? Yan last option ko via bank account. Pero hanap pa ako ng mas better na cashout option sana.