Salamat sa mga sumagot. Nagpa hanap nga ako ng LBC na malapit na bukas 24hours. Also kahit open ng 7am hirap lumabas kasi traffic tapos inaantok na din ako sa mga oras na yan kaso may trabaho pa minsan. Wala din kasing time frame yung trabaho ko as long as di pa tapos dapat continue pa. Subukan ko din kumuha ng lbc ID card. Anu ba requirments nun? As of now try ko muna 5k per withdrawal na lang para safe. Mukhang mahirap magpa palit ng pangalan sa coin ph incase na di tanggapin yung student ID eh.
"Gaya ng sabi ko sa taas" tinatanggap ang Student ID sa LBC Card. As long as syempre latest ang Year with Pirma ng principal, dean or head etc. ok yan. After makakuha ng LBC Card kahit 1 student ID na lang ang dalhin kasi recognized naman na ng system.
Marami akong student na nakakasabay sa pagclaim sa LBC (cashout) and nakikita ko na student ID lang nila gamit nila + LBC Card
(College tong mga to). Kung may doubt ka pa rin kahit Php 1k lang puwede mo ipadala.
Ito na lang isipin mo
"outside crypto", marami nagpapadala via LBC either from here to province or vice versa. For sure may student na tumatanggap ng pera since they have the tracking number + sila ang nilagay sa recipient.
Malabo yang di tatanggapin ang student ID. Paano naman iyong mga estudyante na umaasa ng padala sa magulang nila na nasa malayo.
Like I said kung may doubt ka go for Php 1,000 for testing purposes at pagkuha ng LBC Card. Since hirap ka mag adjust kahit once a week mo lang gagawin yan na lang gawin mo.