sila pa hahawak ng bitcoin mo.

Safe ang Collaterals dahil naka store ito sa isang Multisig Wallet. Hindi ito hawak ng Coinlend.ph. Mas magandang magbasa muna ng maigi sa mga previous comments or sa mismong website para mas maintindihan mabuti bago matakot or husgahan agad ang platform.
Ayos itong site na to ah. Hindi lang ito para sa mga bitcoin holders na kailangan ng pera, para rin sa mga individual o maliliit na investors tulad ko na gustong kumita sa larangan ng lending. Naranasan kong magpautang offline. Yung traditional na pautang. Konsumisyon lang ang dinanas ko. Masasabi kong maganda nga ito dahil may collateral talaga.

Haha tama ka jan kabayan. Napakahirap talagang magpautang offline lalo na kung walang collateral at verbal lang.
Para sa akin, bago pa lang kasi talaga itong coinlend.ph na site kaya normal lang na matakot o mag alangan ang mga tao. Lalo na tayong mga pinoy na malalakas magduda. Kahit ako na interesado ay nag aalangan pa rin. Siguro maghihintay pa ko ng onting panahon bago gamitin ang serbisyo nila.
Interesado lang akong magpautang at hindi magloan kung gagamit man ako ng platform nila. Sa tingin ko mas makakatulong din kung mayron silang support na magiging active dito sa forum.